Ang tugtugin o musika ay
uri ng sining na gumagamit ng tunog. Karaniwan, ang kanta ay tinuturing na
pinakamaliit na gawang musika, lalo na tuwing mayroon itong kasamang pag-awit.
Ang karaniwang sangkap ng musika ay pitch (na gumagabay sa melodiya at
harmoniya), ritmo (at ang kaugnay nitong tempo, metro, at artikulasyon),
dynamics, at lahat ng sonic na katangian ng timbre at tekstura. Ang salita ay
hango sa salitang Griyego μουσική (mousike; "sining ng mga Musa"). Sa
kanyang karaniwang anyo ang mga gawaing naglalarawan sa musika bilang isang uri
ng sining ay binubuo ng paggawa ng mga piyesa ng musika, ang kritisismo ng
musika, ang pag-aral ng kasaysayan ng musika, at ang estetikang diseminasyon ng
musika.
Ang paglikha, pagganap,
kabuluhan, at pati na rin ang kahulugan ng musika ay iba-iba depende sa kultura
at panlipunang konteksto. Ang saklaw nito ay mula sa estriktong organisadong
komposisyon at ang pang-aliw na pagganap nito, sa pamamagitan ng
improbisasyonal na musika, hanggang sa pormang aleatoric. Ang musika ay
puwedeng hatiin sa mga genre at subgenre, pero ang mga dibisyon at relasyon sa
pagitan ng mga kategorya ng musika ay madalas pino, minsan bukas sa
pangsariling interpretasyon, at paminsan-minsan kontrobersyal. Sa sining, ang
musika ay puwedeng iuri bilang isang sining na itinatanghal, fine arts, at
awditoryong sining. Ang musika ay puwedeng tugtugin at marinig ng
pangkasalukuyan, at puwedeng maging bahagi ng isang dulaan o pelikula, at
maaari din i-record.
Sa maraming tao sa
iba’t ibang kultura, ang musika ay mahalagang bahagi ng pamumuhay. Ang musika
para sa mga sinaunang Griyego at pilosopong Indiyano, ay mga tono na nakaayos
pahalang ay melodiya, at patayo ay harmoniya. Mga pangkaraniwan na kasabihan
katulad ng “ang kaayusan ng mga sphere” at “ito’y musika sa aking mga tainga”
ay nagsasabi na ang musika ay kadalasang maayos at magandang pakinggan.
Gayunman, ang ika-dalawampung siglo na kompositor na si John Cage ay may ideya
na ang kahit anong tunog ay maaaring maging musika, sa pagsabi niya ng “walang
ingay, kundi tunog.”
Ang musika ay may iba't ibang
pakahulugan sa tao kaya hindi ito maipaliwanag ng lubusan.Ito ay sinasabing
relatibo at subhektibo. Ang musika para sa isa ay maaaring walang katuturan sa
ibang tao. Bagamat ganito, sinasabing ang musika ay para sa lahat at saan mang
lupalop ng mundo, ang mga taong may iba't ibang kultura ay may itinuturing na
sariling musika.
Habang
nag-aayos ako, nagpapatugtog ako ng musik. Pagsakay ko ng kotse, nagpapatugtog
ako ng musik. Kapag nasa bahay ako at nagrerelaks, naglilinis, o
nagbabasa—nagpapatugtog ako ng musik. Lagi akong nakikinig ng musik.
Mahilig ka rin ba sa
musika? Kung oo, matutulungan ka ng artikulong ito na makita ang mga pakinabang
ng musika sa ating buhay.
Mga pakinabang
Ang pakikinig sa musika
ay kagaya rin ng pagkain. Parehong makakabuti ito sa iyo depende sa kung ano
ang pinipili mo.
· Nakapagpapaganda
ng mood ang musika.
Kapag pangit ang araw mo, magpatugtog ka lang ng paborito mong
music at gaganda na agad ang pakiramdam mo
· Nagbabalik
ng mga alaala ang musika.
May mga kanta na magpapaalaala sa sayo ng magaganda o
malulungkot na karanasan, kaya minsan kapag nakakarinig ka ng malungkot na
musika ay mapapaluha ka at mapapangiti ka naman kapag masaya ang musika.
· Napagkakaisa
ng musika ang mga tao.
Iba-iba ang ating mga wika ngunit napagiisa tayo ng musika
katulad sa panahon ngayon merong mga kanta tayong nagugustuhan katulad ng
“K-Pop” na hindi natin maintindihan pero dahil gusto natin ang musika gagawa
tayo ng paraan upang maintindihan ito.
· Nakakatulong
ang musika para makapaglinang ng magagandang katangian.
Habang nag-aaral kang tumugtog ng isang instrumento, natututo
kang maging disiplinado at matiyaga. Hindi ito puwedeng madaliin. Magiging
mahusay ka lang kung magpapraktis ka.
Alam mo ba? Ang pinakamalaking aklat ng Bibliya—Ang Mga Awit—ito ay binubuo ng 150 kanta. Maski ang bibliya ay nagsasabi na maganda ang musika sa buhay ng tao kaso lang may mga kanta na ngayon na naglalaman ng malalaswang lyrics na hindi na maganda pakinggan lalo na sa mga kabataan.
Mga Sanggunian:
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento